2/50
3.5/5 ✨
"Sapagkat hindi lahat ng pagluha ay nakikita sa mata. At hindi lahat ng nangungulila ay may lakas upang lumuha."
BAKITTTTTTT????? Ang sakit. Nananakit ka naman Sir Ong.
Hindi ko talaga inaasahan na ganito pala yung nilalaman nitong aklat. Kaylangan ko pa ng ilang araw bago iproseso ang lahat. Mabuti at naintindihan ko naman sa pangalawang subok. Sa una'y nalito ako. Pero unti unti kong nagets.
Pinaka paborito at pinaka mapanakit na istorya para sa akin ay yung kay Carmen at Mario Lim. T_T
Marami kang matututunan sa librong ito. Minsan pa nga masasabi mong nakaka relate ka. Malalim ang mga salitang ginamit pero hindi ka maguguluhan.
Kumpara sa ibang libro ni Ong, hindi ko gaanong paborito ang isang ito, ngunit masasabi kong isang espesyal na istorya ang binahagi saatin ng manunulat. At nag enjoy ako.
Masaya ako dahil kumpleto na ang aking koleksyon ng mga libro ni Sir Bob Ong. ♥
RD: 01/10/22
#bobong #si #readingwrapup #januaryread #localauthorsph #supportfilipinoauthors #promotefilipinoauthors #asianliterature #bookstagram #bibliobibuli #bookrebellion
No comments:
Post a Comment