Sunday, December 11, 2022

❦ Edgar Calabia SamarSi Janus Sรญlang at ang Lihim ng Santinakpan (Janus Sรญlang, #5) ❦


❺/❺ ✮

“Natakot ako na mali ako pero kakabit nga siguro lagi ng pananalig ang takot.”

-Miguel Santamaria 

Malupet. Astig. Masalimuot. Masaya.

☙ Ang dami kong gustong sabihin. May nauna na akong rebyu bago ito. Hindi talaga ako maka move on agad. Iniisip ko pa rin yung ending e. Ang hirap at ang sakit isipin. Pero tanggap ko na.

☙ Marami akong natutunan sa seryeng ito. Minsan pa nga napapatigil ako para pag nilay nilayan ang mga katagang nabasa ko. Ang haba ng paglalakbay, ngunit lahat ng istorya ay kailangang matapos. Sinimulan kong basahin yung book 5 nung May 2022. At anong buwan na ngayon? Haha

☙ Sa twing bubuklatin ko ang libro, hindi ko maituloy tuloy. Natatakot akong iwanan ang mga karakter na napamahal na sa akin. Kasabay nila akong lumuha at tumawa. Sulit ang oras na binigay ko sa pagbabasa sa buong seryeng ito. Masasabi kong isa sa mga paborito ko. At siguradong babalik balikan.

☙ Hindi porket mabait at approachable si Sir Egay kaya sinasabi kong napakaganda ng nilikha niya. KUDOS, SIR EGAY! MARAMING SALAMAT ulit. SOBRANG GANDA TALAGA. At kung hindi ka pa nakakabili ng sariling kopya, ano pa inaantay mo? ♥

“OO. Okey lang matakot basta hindi tayo susuko.”

-Janus Silang
 
☙ Hanggang sa muli, Janus. Salamat. Hindi kita makakalimutan. Hindi ko kayo makakalimutan. Imposible. ☺

Read date: 12/10/2022

Reading challenge: 40/35

(⁠´⁠∩⁠。⁠•⁠ ⁠แต•⁠ ⁠•⁠。⁠∩⁠`⁠)

เน‘ Matapos ang paulit-ulit na pakikihamok laban kay Sidha at sa Tiyanak, natagpuan na ni Janus sa wakas si Tala. O si Tala na nga ba ito?

เน‘ Dinala siya ng babae sa pinakapusod ng Dalem-- ang bayan sa kailaliman ng Kalibutan na itinatag ng mga pusong na kumukupkop kay Tala sa loob ng mahabang panahon-- para ipaalam kay Janus ang papel nito bilang ikalimang sinag sa pangwakas na laban para sugpuin ang Tiyanak.

เน‘ Sa huling aklat na ito ng serye, nag-aabang kay Janus ang lihim na maghahatid sa mga pakikipagsapalaran at pasya na kailangan niyang gawin sa ngalan ng kaligtasan ng Santinakpan!

#bookreview #bookstagram #janussilang5 #sijanussilangatanglihimngsantinakpan #edgarcalabiasamar #readingwrapup #2022reads #bibliobibuli #supportandpromotefilipinoauthors #randomunbosom #localauthorsph

No comments:

Post a Comment

The Chalk Man by C.J. Tudor 3/5 ๐ŸŒ 

"Never assume, Eddie. Question everything. Always look beyond the obvious." ≛ From the very first page, the story reel...